Kim Chiu Mahirap Umasa at Umiwas sa Isyung Pagpapakasal kay Xian Lim
Sobrang tuwa ang naramdaman ni Kim Chiu nang humarap kahapon sa face-to-face presscon ng Metro Manila Filmfest entry ng Obra Cinema Productions, ang trilogy horror film na Huwag Kang Lalabas. Matagal din syang hindi nakaexperience ng ganito dahil sa pandemic. Laking pasalamat nya at nabigyan ng pagkakataon ang kanyang movie.
Matapos ang dalawang taon, ngayon lang uli nagkaroon ng face-to-face presscon at sabi nga ni Kim, na-miss niya ang mga reporters na nag-i-interview sa kanya madalas dati. Kaya nga minsan nakakalimutan na nya yung mga pangalan nung ibang mga reporter. Buti na lng nagkaroon na ulit ng ganitong presscon para sa mga ipapalabas na Pelikula.
Isa si Kim sa mga bida ng movie na may tatlong episodes — Kumbento, Bahay at Hotel.
Sa Hotel episode, kasama ni Kim sina Jameson Blake, Brenda Mage, Donna Cariaga, Tina Paner, Rico Barrera, James Teng at Allan Paule.
Ipinakilala si Kim ng host bilang “The Millennial Horror Princess” dahil ilang horror films na rin naman ang nagawa ng aktres in the past like Shake, Rattle & Roll, The Healing, U-Turn at ito ngang latest film niyang Huwag Kang Lalabas. Sobrang Proud din si Kim Chiu sa kanyang Pelikula at isang karangalan ang tawaging "The Millennial Horror Princess".
Napatanong din ang press sa kanya kung humingi ba siya ng tips kay Kris Aquino na Horror Queen at close sa kanya, para naman mas mabigyan nya ng tamang pagganap ang kanyang Karakter. Ngunit natawa na lamang si Kim dahil wala raw oras si Ate Kris sa mga ganung bagay at sobrang busy nun na tao, ayaw na niyang abalahin pa ito.
Samantala, dahil uso nga ang mga nagpapakasal this year, of course, hindi nakaligtas si Kim na matanong kung may balak na rin ba silang magpakasal ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.
Nag-try pang umiwas si Kim sa tanong, pero sinagot pa rin naman niya by saying, “Wala pa po.
‘Di ko po alam. Dapat si Xian ang tanungin. Nakakahiya naman kay Xian.”
And when asked kung ready ba siya saka-sakaling mag-propose na nga si Xian, natatawang sagot ni Kim, “Aaay, grabe naman po ‘yang katanungan na ‘yan. Tingnan na lang po natin.
Mahirap naman pong umasa nang agad-agad. Pero we love each other.”
Nakakatuwa talaga si Kim at sobrang nakakaproud ang kanyang mga naabot at mga karangalan na Natatanggap, sobrang laki ng ipinagbago niya. Kaya naman magugulat ka na lang sa mga possible nya pang gawin para sa buhay nya.
Naalala din ng ibang reporter na dati iba ang reaction nya, nu’ng time na sila pa ni Gerald Anderson ang mag-boyfriend, todo-iwas siya sa mga tanong ng press at parang naiirita ‘pag nauurirat ang kanyang love life.
Pero ngayon, kayang-kaya nang harapin ni Kim ang pagsagot sa mga pang-iintriga sa kanyang buhay.
"Maturity comes with age and experience talaga!"
Anyway, sa dalawa pang episodes ng Huwag Kang Lalabas ay bida naman sina Beauty Gonzales (Kumbento) at Aiko Melendez (Bahay).
Kasama ni Beauty sa Kumbento sina Elizabeth Oropesa, Yasser Mata, Matet de Leon, Tanya Gomez at Marcus Madrigal.
Sa Bahay naman ay co-stars ni Aiko sina Joaquin Domagoso, James Blanco, Bembol Roco, Dave Bornea, Ayeesha Cervantes at Soliman Cruz.
Comments
Post a Comment