The Best Couple in Showbiz, Kim Chiu at Xian Lim
Sina Kim Chiu at Xian Lim ang literal na pinaka-consistent at napakakilig sa showbiz industry ngayon . Habang ang ibang mga loveteam ay nawawala na at sila naman ay patuloy ang pag-angat sa industriya kahit na hindi na sila magkasama sa iisang network, tinaguriang realtime loveteam dahil sa kanilang matinding chemistry at nakasupportive na fanbase na ang "KimXi."
Sobrang taas din ng Respeto at Tiwala ang binibigay ni Kim Chiu at Xian Lim sa isa't isa. Alam nila kung paano maghandle ng kanilang sarili. Ang isa talaga sa nakakamangha sa kanila ay kaya nilang ipakita sa bawat isa ang tunay na pagmamahal kahit na matagal sila hindi nagkakasama dahil sa trabaho.
Mapapansin mo din sa kanilang social media kung gaano sila ka sweet kapag nagkakasama sa kanilang mga travel at bonding together, tila ba may forever talaga sa pagmamahalang Kim at Xian. Kaya naman patuloy ang supporta na pinapakita ng mga fans nila, kahit pa dumaan man sila sa mga isyu tungkol sa kanila.
Mahirap na sa panahon ngayon makahanap na ganun klaseng pagmamahal. Kaya ganun na lang ang pagpapahalaga nila pareho sa kanilang
relasyon. Merun mga pagkakataon na nakakaranas sila ng failures in life, nandyan sila parate para sa isa't isa. Kaya naman naging matibay si Kim Chiu sa kanyang mga laban dahil nandyan palage si Xian Lim para palakasin sya.
Kaya naman kung ako ang tatanungin, ang loveteam nila Kim Chiu at Xian Lim ang isa sa pinaka successful na loveteam ng bansa, dahil sa mga nakukuha nito pagmamahal sa mga fans. Patuloy natin silang supportahan sa mga future projects and plans nila.
Comments
Post a Comment