Xian Lim Nagselos ng Sobra sa nakasama ni Kim Chiu

Photo Credits to IG Chinita Princess
Magkasama na sina Xian Lim at Kim Chiu sa kanilang Valentine's Celebration. Sobra ang saya nila pareho sa kanilang bonding together. Napagkasunduan nila na gumawa sila ng vlog para sa kanilang YouTube Channel. Para sa vlog ni Kim Chiu gumawa sila ng Q and A para sagutin yung mga katanungan na hinanda ng kaibigan nila na naging kasama nila dati sa isang proyekto. 

Nilaglag ni Kim Chiu, si Xian Lim na seloso raw itong boyfriend.Sumalang sa question and answer ang magkasintahan sa vlog ni Kim noong February 20, 2022. Nang tanungin kung sino sa kanila ang mas madalas magselos, sabay nilang itinuro ang isa't isa.

"Hindi ako. Ikaw yung sobra," saad ni Kim.Itinanggi ito ni Xian."Ay, di ako seloso, ha. Wala naman akong ano. Chill lang ako, e," depensa ni Xian.Pero kinukuwestiyon iyon ni Kim na nangingiting sabi kay Xian, "Hmmm..."Dagdag ni Xian, "Ikaw yung maya't maya, 'Ano ginagawa mo? Sino kasama mo?'"Katuwiran naman ni Kim, "Yun lang. Matanong ako."Pero sino yung inuumpog yung ulo sa manibela?"Tsaka natanggal yung ipin niya sa sobrang selos niya! Hahaha!"Muli itong pinabulaanan ni Xian, habang tawa pa rin nang tawa si Kim."Hindi yun selos. Nag-away lang tayo nun. Hindi yun dahil sa selos. Wala akong pinagseselosan," ani Xian.

Hindi na binanggit ni Kim kung ano ang pinagselosan o pinag-awayan nila ni Xian noong natanggal ang ipin nito pati na sa hiwalay na insidenteng inuntog nito ang ulo sa manibela.

Nagdiwang ang magkasintahan ng Valentine's Day nang mag-quick getaway sila sa Balesin Island sa Polilio, Quezon.Sila ay nag-food trip, nag-swimming, at namasyal sa mini zoo sa lugar.Kuwela pa iyong insidente na tuwang-tuwa si Kim na hawakan ang love birds, habang ang iba pang ibon ay nakapatong sa kanyang ulo para sa photo-ops.
Sabay ipinakita ni Xian na natuka na pala ng love bird ang sombrero ni Kim kaya ito nabutas.Napangangang sabi ni Kim pagkita niya sa sombrero, "Oh my god! Yung Chanel ko! Di mo sinabi sa akin!"Tawa nang tawang sabi ni Xian na nagbi-video kay Kim, "Ganyan na talaga yun. Pinaganda nga niya, e. Hahaha! At least may style na!"Sabi ni Kim na, "Awww... Kaya pala sabi ni Kuya baka maubos na!"

Ang Chanel buck hat ay may estimate price na $945 to more than $1,000 P48,450.15 to P51,270, base sa $1=51.27 exchange rate.Makikitang nag-enjoy sina Kim at Xian sa kanilang weekend getaway sa Balesin.Nakapag-workout din sila kahit nasa bakasyon.Ayon kay Kim, favorite pastime nila ang workout at kumain.
Sabi naman ni Xian, "Pero on our free time talaga, we love driving."Sang-ayon ni Kim, "Yes, gusto namin pumunta sa malayong lugar kahit kami lang dalawa."Dagdag ni Xian, "It gives us so much joy. Sarap kasi magmaneho ta's naka-focus lang kayo sa isa't isa, walang distractions, or anything."I think that's the best feeling in the world."Siyam na taon na silang magkasintahan.Pareho man silang abala sa kani-kanilang trabaho, sinabi ni Xian na madalas silang magkita ni Kim.Hindi lang daw nila ipinu-post pa ito sa social media.
Si Kim ay nananatiling Kapamilya star, habang si Xian ay gumagawa ng mga proyekto sa GMA-7. Grabe na din talaga ang lalim ng pag iibigan nila Kim at Xian na kahit sa anumang tanong ay kilalang kilala na nila ang isa't isa. Napaamin pa nga si Xian naas kilala pa ni Kim si Xian kaysa kanya. Likas na siguro yun sa mga Magkasintahan na matatagal na, makikilala mo talaga lahat ng gusto at ayaw ng taong mahal mo kapag kayo ay matagal na magkasama.
Parang napakadali lang para sa kanila ang mga tanong. Kahit na marami man silang pinagdadaanan ay nakakaya pa din nila pareho. Ang kagandahan din sa Magkasintahan ay napaka supportive nila sa mga desisyon at pangarap ng bawat isa, yun na siguro ang isa sa mga bagay na pwede mo mapagmamalaki. Napakalayo na din talaga ang narating nila, kahit na nung nagsisimula pa lamang sila ay wala pa din nagbago sa pagmamahalan ng dalawa. 
Ito rin ang unang beses na nalaman natin na merun din palang nangyaring selosan sa dalawa. Ni minsan hindi ito nalaman ng publiko. Kahit na dumating sa punta na natanggal ng ngipin si Xian Lim. Siguro it's normal lang din nag magkaroon ng selos basta may karelasyon ka kasi dun mo makikita na mahal ka nung taong pinili mo na mahalin.

Comments

Popular posts from this blog

Kim Chiu Inamin na Crush niya noon si Xian Lim

Xian Lim to the Rescue para kay Kim Chiu

Tunay na Buhay ni Kim Chiu | Career Path