Kim Chiu Inamin na Biktima rin siya ng panloloko
![]() |
Trending si Kim Chiu sa Twitter dahil sa mga binitiwan niyang salita sa It's Showtime.
Tungkol ito sa opinyon niya about cheating.Na-record ng netizens ang bahagi ng komento ni Kim kunsaan sinabi niya: "Baka magtsi-cheat kung hindi siya naging masaya."
Baka bubukas yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya, yan ang sinabi ng kapamilya aktres na si Kim Chiu
Pero base sa video, kinontra ni Vice ang pahayag ni Kim tungkol sa cheating.
Ayon kay Vice, walang sapat na dahilan para manloko ng karelasyon ang isang tao.
Hindi rin sang-ayon ang mga manood sa opinyon ni Kim kaya binatikos siya at ngtrending sa social media.
Opinyon lang yun ni Kim, ipinaliwanag niya na mahirap mag-explain about cheating kapag konti lang yung time. Inamin din niya na hindi talaga siya pabor sa cheating sapagkat siya rin ay biktima sa panloloko.
Comments
Post a Comment