Makakasama si Kim Chiu sa MMK Youtube Channel ng ABS-CBN

 

 

Binalita na ng ABS-CBN na magkakaroon sila ng panibagong YouTube Channel para sa MMK at iba pang mga films na nagawa nila, naging pamagat nito ay Made for YouTube. Kung saan tampok dito ang ilang mga naging sikat na mga episodes ng MMK.

 Ipapakita nila rin dito ang ilang mga YouTube Shorts sa pagkikita ng Letter sender at ang artista na gumanap sa MMK. 

Kabilang na dito si Kim Chiu, kung saan naging suki na din ng mga Episodes ng MMK, kasama na dito yung ginapanan nya ang buhay ni Sisi na isang magaling na volleyball player ng F.E.U., para naman magkaroon sila ng sharing of thoughts tungkol sa buhay na ginampanan nila.

Makakasama din ni Kim Chiu ang ilang mga artista tulad nila Vilma Santos, Charlie Dizen, Jameson Blake, Ellisse Juson, at Maris Racal bilang mga stars sa kanya kanyang episodes.

Hindi lng talaga sa Hosting magaling si Kim, pati din sa pagpapatawa at lalong lalo na ang acting skills. Kaya naman marami din talaga ang naantig sa isturya ng buhay sa bawat ginagampanan ni Kim sa MMK. 

Isang panibagong proyekto na namn ito ng MMK, katuwang ang platform na YouTube. INAASAHAN na din na maraming magugustuhan ito, lalong lalo na ang MMK na alam naman natin na marami talaga mga taga subaybay nito. 

Natutuwa naman si Kim Chiu dito, dahil isang pambihirang pagkakataon na naman ito para ma meet nya ang letter sender na ginampanan nya sa MMK. Ngayon lang ito ginawa ng Abs-cbn para sa MMK, na magkakaroon sya ng ibang channel para lng sa mga sikat na episodes ng MMK. 

Tiyak na marami na naman ang susupurtahan ito at papanuorin ang mga episodes na ipapakita dito. Lalong lalo na yung mga fans ni Kim Chiu ay matutuwa sa balitang ito.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Kim Chiu Inamin na Crush niya noon si Xian Lim

Xian Lim to the Rescue para kay Kim Chiu

Tunay na Buhay ni Kim Chiu | Career Path