May Laging Nag-aalala kay Xian Lim bukod kay Kim Chiu
![]() |
Sobrang tuwa naman ang ginawa ng mommy ni Xian Lim para sa kanya. Naka focus ngayon si Xian sa kanya lock in taping sa Love.Die.Repeat. kung saan kapareho niya si Jennylyn Mercado.
Kahapon lang ay nagviral ang ginawa ng mommy ni Xian sa kanya. Habang naka pose si Xian matapos ang kanyang workout na parang nakabilad sya sa araw ay bigla namang nag comment sa Instagram Account ang kanyang mommy sa comment section, akala siguro ng mommy nya na si Xian lng makakabasa nun kaya naman agad nag comment si Xian na parang sinabihan nya ang kanyang mommy na sa DM na lng or direct message.
Narito ang naging post nila:
Sabi ni Mommy Mary Ann: Huwag ka
magpaaraw. May pinabaon akong sunblock sa bag. Take your vitamins and eat vegetables. May pinadala ako dyan.
Sagot naman ni Xian: Mom! 😂😂😂 May direct message . . yung parang arrow or paper airplane sa upper right ng screen.
Dito mo talaga makikita na sobrang maaalahanin ang mommy ni Xian sa kanya kasi kahit na nasa trabaho ang anak ay ganun na lng sya magremind kay Xian. Para kay Xian, nakakatuwa yun at gusto nya din yun kasi nagpapatunay lang na sobranga Mahal na mahal sya ng kanyang Mommy Mary Anne.
Hindi lng si Kim Chiu ang palaging nakabantay kay Xian pati rin ang kanyang Mommy mismo. Masasabi din talaga natin na halos lahat ng mga nanay ay ganun talaga magremind sa mga anak.
Nakakatuwa rin talaga ang mga ginagawa ni Xian na mga Tiktok Videos, kung saan humakot na ito ng millions of viewers sa social media. Kahit na magkalayo sila ni Kim ay ginagawa nya pa rin ang mga bagay na pwede nya mapakita kay Kim kung gaano nya ito kamahal
Wow ganda naman nila tingnan
ReplyDeleteYes super po, thank u for reading God bless po
ReplyDelete