Xian Lim Hinangaan ni Jennylyn Mercado sa Sobrang Galing nito

 


 

Kamakailan lang ay nabalitaan natin ang paglipat ni Xian Lim sa GMA 7 at ang unang naging proyekto nya ay ang TV Serye nila ni Jennylyn Mercado na Love.Die.Repeat. Naging SUCCESSFUL ang kanilang taping at sinuportahan ito ng kanya kanyang mga Fans.

Pinuri din ni Jennylyn Mercado ang acting ni Xian Lim dahil sobrang galing nito kahit na bago pa lng sila naging magkaloveteam, bukod pa dun ay sobrang bait rin ni Xian dagdag pa ni Jennylyn. Kaya naman naging magaan agad ang kanyang pakikitungo nito at mas naging natural lamang ang kanilang acting sa set. 

Maraming mga fans ang Humanga ng todo sa kanilang tambalan dahil sa pinapakita nilang chemistry sa mga scenes at mga larawan na lumalabas sa Social Media. Kaya naman inaabangan talaga ng mga fans ang kanilang TV serye. 

NapakaProfessional din talaga nila Xian at Jennylyn sa mga ginagawa nila sa taping, kasi nagagawa nila ng maayos ang kanilang mga Karakter sa serye kahit na unang beses pa lang nila maging magkatambal sa serye. Inaasahan talaga ng mga Fans ang mga sobrang sweetness na makikita nila sa kanilang serye na  Love.Die.Repeat.

Kahit na si Kim Chiu ay sobrang excited na din makita ang kanilang TV serye. Hindi man sila magkasama ni Xian ay napakaproud talaga ni Kim sa kanyang kasintahan. Pati din ang mommy ni Xian ay grabe din ang supporta para kay Xian. 

Kahit na magkaiba man ang naging opinion ng mga fans ay mas marami pa din ang natutuwa sa kanilang dalawa. Kasi panibagong panlasa na naman para sa mga fans at tiyak din na maganda ang kwento ng  Love.Die.Repeat.

Aminado na din si Xian Lim na sobrang namimiss na nya si Kim Chiu dahil matagal tagal pa ang kanilang lock in taping. Nililibang nya na lang ang kanyang sarili sa kanyang workout at iba pang mga usual na ginagawa nya. 

Huwag natin kalimutan supportahan ang TV Serye ni XIAN LIM AT JENNYLYN MERCADO. Para na din mas marami pa ang magugustuhang panuorin ang kanilang serye. 

Comments

Popular posts from this blog

Kim Chiu Inamin na Crush niya noon si Xian Lim

Xian Lim to the Rescue para kay Kim Chiu

Tunay na Buhay ni Kim Chiu | Career Path