Kim Chiu Masaya sa Piling ni Xian Lim
Sobrang kilig ang mga Netizens at fans sa ‘Recent post’ nina Kim Chiu at Xian Lim sa Instagram. Eh kasi naman, mula Sabado, hanggang Linggo ay magkasama ang dalawa na para bang wala silang oras na sinasayang. Bawat sandali ay bilang na bilang at pinapahalagahan.
Masaya ang mga fans na makitang nagru-roadtrip, travel ang KimXi. Dahil nakakainspire ito sa kanila.
Mapapansin talaga natin na parang mag asawa na talaga ang turungin ng dalawa.Habang si Xian ay Nagdadrive, si Kim Chiu naman ay sobrang sayo. Iba na talaga kapag True Love.
Ang aliwalas ng mukha ng dalawa, na finally, after a long time, na naka-lock in taping si Xian (sa teleserye nila ni Jennylyn Mercado ang Love.Die.Repeat.), at si Kim ay super busy rin sa ‘It’s Showtime’ at iba pang ganap sa career niya, nagkaroon sila ng time na magsama.
Ang husay ng Magkasintahan na ito, na kapag may free time sila, sinisigurado nila na sila ang magkasama, or naka-focus sila sa isa’t isa. Kaya sabi nga, happy si Kim, kapag busog sa pagmamahal ni Xian.
Narito ang ilang mga palitan nila ng Comments sa kanilang social media account:
“Morning everyone,” sabi ni Kim sa photo na nagtitimpla siya ng kape.
“Ganda naman ng shot. Sino kaya nag-picture?” chika naman ni Kim.
“Eto na ita-tag na!” sagot ni Xian.
Kaya sa mga photo ni Xian ay makikita ang name ni Kim bilang photographer niya.’
At siyempre, wala ka na nga raw mahihiling pa, kapag sa buhay mo, nararanasan mo na habang nagkakape ka, kasama mo ang mahal mo.
Anyway, gusto ko ring purihin si Xian sa kabutihan ng puso niya. Kalat na nga ngayon ang video na tinulungan niya ang mga bata sa lansangan na nagtitinda ng mga basahan.
Makikita sa video na kumuha pa ng datung si Xian sa wallet niya para ibigay sa mga bata.
Hindi lang ako sure kung binili ni Xian ang mga basahan, o binigay lang niya ang pera.
Mas maganda kasi kung binili, o pinakyaw niya ang mga basahan, para hindi masanay ang mga bata na tumatanggap na lang ng pera. Mas masarap sa pakiramdam na pinaghirapan pa rin nila ang kinita nila.
Or puwede rin na binili ang mga basahan, at pinasobrahan ng pera, para may maitabi ang mga bata, di ba?
Pero `yun nga, sa mga simpleng paraan, makikita mo ang kabutihan ng puso ni Xian, na sa unang tingin ay ang suplado ng dating ngunit may mapagmahal pala na puso.
Kaya naman maraming blessings ang dumarating para sa kanila dahil na din sa kabutihan nila lalo na si Kim na kamakailan lang ay namigay ng mga ayuda sa mga nangangailangan.
Wow so inlove talaga sila sa isat isa
ReplyDeleteSuper inlove po
Delete