Kim Chiu Successful ang Performance sa It's Showtime

 

         Isang Nagbabagang production show ang pinakita ni Kim Chiu sa It's Showtime para sa kanyang official 1 year Anniversary. Sobrang nagulat ang mga Fans, Manunuod, kasama nya sa it's Showtime at Netizens, sa galing ni Kim Chiu sa pagsayaw. Nabanggit rin Kim na sobrang mahal ng production na hinanda ng It's Showtime para sa kanya, it only means na napaka halaga ni Kim para sa kanila.

Ilang araw din pinaghahandaan ni Kim ang production na ito. Hinanda nya talaga ito para sa 1 year Anniversary nya sa show. Nasabi rin ni Kim na hindi nya talaga inaasahan na aabot sya ng 1 year sa it's Showtime. Ang dami nyang pinagdadaanan na hirap, issue at iba pa, ngunit nalampasan nya ang mga ito. 

Ang gusto lng naman ni Kim Chiu ay magpasaya ng mga tao, makapag inspire sa nakakarama at makatulong sa nangangailangan. Grabe na din talaga ang pasasalamat ni Kim Chiu sa buong cast at staff ng It's Showtime, dahil madalas sya binibigyan dito ng chance mapakita ang kanyang galing sa mga tao. 

Marami na din talaga ang nabago kay Kim simula nung mapasok sya sa it's Showtime. Naging SUCCESSFUL sya sa Kanyang Hosting, mas dumami ang kanyang mga endorsement at mas madevelop nya ang kanyang strength kaysa nung nagsisimula pa lamang sya. 

Hindi rin kasi Mabilang ang mga Netizens na nagugustuhan na ang kanyang mga biro at kalokohan sa It's Showtime. Kahit na simpling jokes ay matutuwa ka talaga sa mga banat nya. Kaya naman maraming mga fans rin ang namimigay ng mga regalo kay Kim Chiu. Aba! Sana All! 

Kaya siguro ganito kaganda ang mga blessings na dumarating sa kanya dahil alam nya din kung paano magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanya. 

Kamakailan lang din ay naglabas si Kim ng kanyang mga larawan sa kanyang social media na nagpapakita ng kanyang kagandahan at kasexyhan para sa isang malaking brand ng mga damit.


Comments

Popular posts from this blog

Kim Chiu Inamin na Crush niya noon si Xian Lim

Xian Lim to the Rescue para kay Kim Chiu

Tunay na Buhay ni Kim Chiu | Career Path