Xian Lim Isang Magaling na Direktor
Xian Lim umaarangkada na ang kanyang pagiging Director at Writer nya sa bagong WeTv Romantic Comedy Mini-series, na ginagampanan nila Heaven Peralejo at Gino Roque, na may pamagat na Pasabuy.
Laking pasalamat din ni Gino kay Xian, dahil binigyan sya nito ng pagkakataon.
Isa rin si Gino Roque sa mga artistang nagproproduce na din ng mga projects. Kaya naman nag meet ang mga idea nila pareho. Narito ang naging panayam kay Gino Roque ng isang sikat na website.
Sabi ni Gino, “Kasi we had a project sa Viva, tapos kinukuwento niya sa akin yung mga dinidirek niya. Tapos ako naman, sinasabi ko sa kanya yung mga pinu-produce ko.
“Sinabi ko sa sarili ko na, ‘Okay, why don’t we put two together, di ba?’ Siya magdirek ng series ko. So, that’s how it came.”
Kasama nila rito si Heaven Peralejo kung saan nabuo nila ang walong episodes na napapanood sa WeTV tuwing Biyernes ng gabi.
Puring-puri ni Gino si Xian dahil sa bawat eksena ay matiyaga raw siyang tinutukan ng actor/director at minu-motivate daw siya kung ano ang tamang atake sa isang eksena.
Before every scene, he will talk to me for 30 minutes. He would tell me how to do things… minu-motivate ako. Kung ano yung dapat gawin. Tapos, tinatanong niya sa akin kung ano ang gusto kong gawin dito.
“Kasi, iyan ang problema minsan, e. Since producer ako, minsan natatakot yung mga direktor na magsabi sa akin.
“Sinabi ko sa kanya, once I step on the set, hindi na ako producer, actor po ako,” napangiting pahayag ni Gino.
Samantala, nakatengga pa rin hanggang ngayon si Xian at naghihintay kung ano ang programang ibibigay sa kanya ng GMA-7.
Habang naka hold pa rin ang taping ng Love. Die. Repeat, dahil sa kalagayan ni Jennylyn Mercado.
Wala pang ibinibigay na pahayag ang kampo ni Jennylyn kung ano na ang update sa kalagayan niya ngayon.
Ayon sa balita, bibigyan daw muna ng ibang project ang bagong Kapuso actor.
Tumanggi muna si Xian na magbigay ng pahayag kaugnay rito.
Hanggang ngayon ay maghintay lang daw si Xian kung ano ang ipapayo sa kanya ng bosses ng GMA-7.
Gusto rin sana niyang magamit ng GMA-7 ang ibang naisulat niyang kuwento na siya rin ang magdidirek, para naman mapagpatuloy nya ang Kanyang trabaho.
Kaya naman sinusulit talaga ni Xian Lim, ang oras nya para kay Kim Chiu. Makikita natin yun sa kanilang mga latest post sa social media kung saan magkasama nga ang dalawa, na talaga namang sobrang Sweet sa isa't isa.
Comments
Post a Comment