Kim Chiu Dinepensahan ni Cristy Fermin
Trending ngayon ang naging reaction ni Cristy Fermin sa Nangyaring pang babash kay Kim Chiu nung nakaraan tungkol sa pagpost nito sa kanyang IG story, sa pagka baklas ng portrait ni Bea Alonzo.
Alam naman natin na Si Cristy Fermin ay isang batikang columnist, commentator at showbiz entertainment writer. Narito ang mga nasabi ni Cristy Fermin:
"Nakakaawa naman si Kim Chiu. Grabe ang tinatanggap niyang bashing ngayon dahil sa kinunan niyang kuwadro ni Bea Alonzo na tinanggal na sa pader ng ABS-CBN."
"Pati ang napakatagal na nilang naging relasyon ni Gerald Anderson ay nabubuklat pa ngayon. Marami nang nakarelasyon ang male personality pagkatapos nila pero pati ‘yun ay ipinamumukha pa ngayon kay Kim.” “Hindi pa raw siya nakapagmu-move-on, si Gerald pa rin daw ang mahal niya, kaya sinaktan niya si Bea.”
"Sabi ng isang basher ni Kim, ‘Huwag niyang sabihing bata pa siya kaya nadala lang siya ng emotion niya. Kitang-kita namang humahalakhak pa siya, ano ‘yun? Umalis na nga si Bea sa station nila, sinusundan pa rin niya para saktan?"
Mag-2022 na powz. Peace and calm na lang tayey. Pag keri. Love love love! Sabi nga ni ate Kris!" part of Kim’s tweet reads."
Yun ang mga bagay na nasabi ni Cristy Fermin sa kanyang latest Column. Kahit na alam naman natin na grabe kung bumanat si Cristy sa ibang mga artista, nananatili pa din maganda ang kanyang mga nasabi tungkol kay Kim Chiu.
In other words, naawa si Cristy sa ginawa mga bashers kay Kim Chiu, dahil nga sa mga ginagawa ni Kim para sa mga fans e merun pa din naglakas ng loob na sabihan sya ng mga hindi maganda. Sa pagkakaalam din Cristy nung makita nya ang video, kita naman talaga na walang ibig sabihin si Kim sa mga ginawa nya. Kaya naman yun na lng ang pagtatanggol ni Cristy Fermin kay Kim Chiu laban sa mga bashers.
Comments
Post a Comment