Kim Chiu Sobrang Nasaktan sa mga Bashers
Nabalot na naman ng Bashers at Isyu na naman si Kim Chiu, dahil sa kanyang nakaraang post sa Instagram Account. Nitong nakaraan ay nagpost si Kim ng isang video na nagpapakita sa pagbaklas ng portrait ni Bea Alonzo at Maja Salvador. Kasama nya ng mga oras na ito si Amy Perez.
Maraming mga Fans nila Bea at Maja ang nagreact dahil parang pinagtawanan raw ni Kim ang pagkabaklas ng mga portrait nila sa ABS CBN. Kung makikita natin ang video na nagbibiruan lamang sila Amy Perez at Kim Chiu patungkol sa kung saan ilalagay ang larawan ni Tyang Amy na possibling ipapalit sa tinanggal na portrait.
Hindi naman nag bigay ng pangalan Si Kim sa tinanggal na portrait, ngunit matatandaan na ang mga tinanggal na Portrait ay ang kina Bea Alonzo at Maja Salvador. Para kay Kim ay wala naman ibig sabihin ang kanyang pagtawa kasi ang tinutukoy nya ay ang magiging portrait ni Tyang Amy.
Ngunit binigyan pa din ito ng ibang interpretasyon ng mga Fans nila Bea at Maja. Agad naman sila nagsalita ng mga hindi maganda laban kay Kim Chiu. Kaya naman nung nakaraang araw ay nasabi nga ni Vice Ganda sa It's Showtime na itong si Kim ay nakiusap kay Vice na pasayahin sya nung araw na yun.
Nasaktan na marahil si Kim Chiu sa mga pakutsada ng mga fans nila Bea at Maja. Kaya naman nung nasa It's Showtime na tapos si Vice parang merun sya pinaliwanag sa set tungkol nga sa sinabi ni Kim sa kanya. Mapapansin natin na napapaluha na talaga si Kim, kitang kita mo talaga ang kanyang pagkuha na parang pinipigilan nya itong tumulo.
Hanggang sa nag asaran na lang sila at pinatawa ni Vice Ganda si Kim. Naalala
ni Kim ang kanyang mga pagod at mga nagawa para sa mga Fans, tapos ganun na lamang ang mga naging comments nila laban kay Kim Chiu. Naisip din ni Kim na baka makaapekto ito sa kanilang Magpasikat sa it's Showtime, ito pa naman ang magiging unang magpasikat na ipapakita ni Kim para sa MADLANG PEOPLE at mga taga subaybay nila.
Ang Mga Fans ni Kim Chiu, ay nanatiling pa din naka supporta sa kanya at ang iba ay nagbigay ng mga positive comments at advices para sa kanya. Still, makikita pa din natin si Kim na napaka strong pa din kahit na marami ang mga naninira patuloy pa din sya sa pagpapasaya ng mga tao. Para sa akin yun ang pinaka importante.
Comments
Post a Comment