Kim Chiu Sobrang Saya dahil Pasok ang Huwag Kang Lalabas sa MMFF
Masayang Masaya si Kim Chiu dahil pasok nga sa MMFF o Metro Manila Film Festival ang kanilang entry na "Huwag kang lalabas", ngayong darating na kapaskuhan, matagal din nila itong pinaghandaan at talaga naman pinaghirapan ng buong Cast.
Ang mga kasamang artista ni Kim dito ay sina James Blanco, Jameson Blake, Joaquin Domagoso, Yasser Marta, Bembol Roco,
Matet de Leon, Tina Paner, Brenda Mage at
Elizabeth Oropesa, pati na dun ang dalawang sikat na artista sina Aiko Melendez at Beauty Gonzalez.
Inaasahan talaga ito ng mga manonood, dahil ito ay sobrang pasok sa panlasa ng mga netizens. Idinirek ito ni Adolf Alix Jr. at iprinodyus ng Obra Cinema Productions ni Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan.
Ang bawat episode ay pinagbibidahan nina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, at Kim Chiu.
Sobrang tuwa ng buong produksiyon ng Obra Cinema dahil nakuha nila si Kim, na nagpasikat ng "Bawal Lumabas" noong kasagsagan ng pandemya. Hindi nga lang comedy ang kanilang project kaya mas swak daw ang title na Huwag Kang Lalabas para sa isang horror film.
Pero hindi pala si Kim ang original choice sa project na ito kundi si Sanya Lopez.
Inakala ng taga-Obra Cinema ay okay na si Sanya, pero noong inayos ang schedule ng shooting sa Baguio ay hindi na pumuwede ang Kapuso actress, dahil merun ito ibang nakaset na din na mga schedule at project.
Natuwa sila dahil natapos nila ang ilang araw na shooting ni Kim sa Baguio na hindi sila nagkaproblema. Sobrang gaan din ng kanilang pagshoot para sa movie, dahil nakakawala din ng pagod ang mga kalokohan ni Kim sa set. Tila ba napaka Natural na lang kay Kim ang magpatawa ng tao, kaya naman maraming may gusto kay Kim Chiu. Bibihira lng din para kay Kim ang mabigyan ng ganitong klase na project dahil kadalasan ay love story.
Makikita din natin sa social media ni Kim na nagpost na sya ng picture tungkol sa movie na "Huwag kang lalabas". Ang karamihan ng mga fans ay nagsabi na nasasabik silang makita ang movie sa METRO Manila Film festival.
Comments
Post a Comment