Si Xian naman daw ang Aangkas kay Kim
SOBRANG DAMING BLESSINGS ang dumating para kay Kim Chiu, hindi na talaga mapigilan ang pagiging sikat ni Kim sa netizens at mga fans. Kamakailan lang ay sila nga ang tinanghal na panalo sa Magpasikat ng it's Showtime, matapos nun ay nagulat ang marami ng mag post ito ng isang larawan na nakasakay sa isang Honda BeAT na bagong endorsement na naman nya at kasunod nun ang ang pagka pasok ng kanyang kanto sa nanalo sa Awit Awards 2021 kung saan pangalawa ito sa pinaka BEST NOVELTY Recording.
Nakakahanga talaga si Kim Chiu sa kanyang mga TAGUMPAY na nakukuha. She really deserves it. Kahit na maraming mga pagkakataon na napanghihinaan sya, nanatili pa din syang madasalin kaya naman hindi na nakakapagtaka ang kanyang mga Blessings na natatanggap.
Merun mga mga ups and down sa buhay, para kay Kim Chiu, patuloy lang sa laban at huwag mawalan ng pag asa, dahil lahat ng problema ay may solusyon. You just need to keep moving forward at huwag makalimot sa nasa itaas.
Bless na nga si Kim sa kanyang Lovelife at Pamilya, mas dumadami pa ang blessings na nakukuha nya para sa kanyang pamilya, kaya naman mapapa SANA ALL na lang tayo. Hinihintay na din nga mga fans ang muling pagtatambal nila ni Xian Lim sa Pelikula.
Nakakainspire din makita ang iniidolo mo kapag makakatanggap ng mga ganitong awards at parangal. Tiyak na aabangan na naman ng mga fans ang iba pang mga endorsement ni Kim Chiu. Ang mga naging endorser na ng Honda Motors ay ang magkalove team na sila Coco Martin at Julia Montes.
Hindi rin na rin mabilang ang mga kompanya na kinukuha si Kim para mag endorse ng products nila. Dito mo talaga makikita na sobrang effective nya na maging isang endorser dahil palagi syang kinukuha ng Malalaking Kompanya. Patuloy natin subaybayan ang mga bagong updates kay Kim Chiu.
Comments
Post a Comment