Xian Lim Napasugod sa Bahay ni Kim Chiu
Matapos ang lock in taping ni Xian Lim sa kanyang bagong project na "Bahay na Pula" ,kasama si Julia Barretto ay agad itong nagtungo kay Kim Chiu, kasi sobrang namimiss na nya ang kasintahan. Matagal rin sila hindi nagkasama kasi, dahil nga sa kanilang mga trabaho. Lalong lalo na si Xian Lim na kakagaling lng sa taping.
Walang sinayang na oras si Xian Lim, at agad pinuntahan si Kim Chiu, para sa kanilang Simple and Romantic celebration ng kanilang 10 year Anniversary na magkarelasyon. Mas gusto lng ng Magkasintahan na maging pribado ito at simple lng, kasi mas importante ang magkasama sila.
Natuwa talaga si Kim Chiu at Xian Lim, sa kanilang Romantic Anniversary Dinner, kaya naman sinusulit talaga nila ito. Maalala natin na unang nagkasama sina Xian at Kim sa "My Binondi Girl", dun nagsimula ang lahat. Matagal na talagang may gusto si Xian kay Kim. Kaya hindi sya talaga nagdalawang isip na ligawan ito, kaya lng it takes 1 year bago sya sinagot ni Kim. Ganun ka pursigido si Xian na makuha ang matamis na uu ni Kim.
Kitang kita talaga natin ang love story ng dalawa mapa on cam or off cam, bagay na bagay ang dalawa, bukod pa sa pareho silang galing sa Filipino Chinese Family. Marami ang naiinspire sa estado ng kanilang relationship, kasi kahit na matagal na sila ay nandun pa din ang sparks at nakakakilig pa din silang panuorin.
Hindi na din nakakapagtataka na darating ang oras na magpopropose si Xian kay Kim. Kasi sobrang napaka gaan ng kanilang relationship, kita mo talaga ang Tunay na pagmamahalan at pagpapahalaga sa bawat isa. Kahit na magkalayo man sila ay nandun pa din ang tiwala at oras na binibigay nila sa isa't isa.
Talaga namang nakakakilig panuorin ang dalawa, sa mga videos at pictures na makikita natin sa kanilang social media. Hindi rin madali ang pinagdaanan ng dalawa bago nila naabot ang 10 years na Magkasintahan, dumaan sila sa mga issues na hindi rin basta2x pero nagawan nila ng paraan at naglampasan din eto nang magkasama.
Comments
Post a Comment