Kim Chiu Agad na Tumulong sa mga Nasalanta ng Bagyong Odette
Grabe na talaga ang pagiging mapagbigay ni Kim Chiu, nito nakaraang araw ay nagkausap na sila Kim Chiu at ng kanyang kaibigan na mayroon sariling private institution na tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo. Maraming mga lugar sa Visayas at Mindanao ang nasalanta ng bagyong Odette, isa sa mga natamaan ng husto ay ang Cebu. Hindi mabilang ang mga nasira na mga gusali, pamamahay, ari arian at mga punong bumagsak sa mga pampublikong kalsada, isa na din sa mga nasira ay ang mga poste at kawad ng kuryente.
Hindi naman nag atubili pa si Kim, kundi nagpadala agad sya ng Donation sa isang private institution para naman mabigay agad ang tulong na kinakailangan ng mga taong nasalanta ng bagyo sa Cebu. Sobra talaga ang pagmamahal ni Kim sa kanyang mga kababayan na Cebuanos. Gumagawa talaga ng paraan si Kim para lang makatulong, kahit na sa kanyang maliit na paraan ay marami syang matulungan na mga tao.
Maalala rin natin na nung mga nakaraang nung merun nangailangan ng Tulong ay agad naman nagbigay si Kim sa mga tao ng tulong. Kahit nasa taping si Kim ay nagagawa nya pa din ang pagiging matulungin sa mga tao. Labis ang hinagpis ni Kim Chiu para sa kanyang mga kababayan na nasalanta ng bagyo. Alam nya din kasi kung gaano kahirap ang buhay ng ibang mamamayan sa Cebu.
Sa ngayon, hinihintay na lang ni Kim Chiu ang update ng kanyang kaibigan para sa tulong na napadala nya sa kanila, dahil nasabi din ng kanyang kaibigan na nahihirapan sila mapadala ang mga food packs dahil sira ang mga daanan kaya nagpatulong sila sa Res Cross para mas padali ang pagpapadala ng Tulong.
KIM CHIU is a famous celebrity who is known for her generosity & kind-hearted girl,who readily extend a helping hand to all needy people . She's a girl with a golden heart.God bless you more,Kimmy.
ReplyDelete🥰🥰🥰🥰
Delete