Mga Napagdaanan ng kimxi sa taong 2021

 



           Maraming mga pinagdadaanan ang Love Team nila Kim Chiu at Xian Lim, kagaya ng ibang Loveteam. Dumaan din sila sa maraming pangbabaash at pangbabatikos, ngunit naging mas matibay sila sa mga ito. Kaya naman tumagal ang kanilang relasyon ng 10 years, isa na sila sa pinakamatagumpay na Loveteam at pinaka matagal na magkarelasyon sa Showbiz Industry. 

Ang isa din sa kanilang pinagdadaanan, ang biglaang paglipat ni Xian Lim sa GMA NETWORK na hindi man lang alam ni Kim Chiu. Inulan ito ng mga batikos dahil ano na lang raw ang mangyayari sa loveteam nila ni Kim. Narito ang mga nasabi ni Xian Lim sa Online Presscon:

"Hindi ako nagpaalam because I know suportado namin ang isa’t isa, mapaano mang desisyong gawin namin."

Even po sa mga proyekto, kunyari po sa mga pelikula or teleserye, never po kami umabot sa point na, ‘Uy, magpapaalam muna ako bago ko gawin ‘to.’

“Even nung nagsisimula pa lang po kami, hindi po kami ganung type ng relationship po namin, hindi po ganun,” 


Isa din sa mga naging dahilan ni Xian ay ang kawalan ng proyekto sa ABS-CBN habang si Kim Chiu ay may mga regular projects pa kaya naman napagpasyahan nya na agad na lumipat na. Sinuportahan naman ni Kim ang paglipat ni Xian Lim dahil ito din ang makakabuti sa career nito. Ganun na lng ang kanilang pagsuporta sa bawat isa, na kahit na magkaiba man ng network andun pa din sila para gabayan at suportahan ang decision nila. 



Habang si Kim Chiu naman ay hindi nakaiwas sa mga mapanuring mga mata ng netizens nung minsang nagkamali sya ng pagkasabi sa isang Bible Verse. Narito ang mga nangyari:



Sa banter nina Vice at Kim ay napag-usapan ang pangalan ni Psalm.


Komento ni Kim dito, "Ang ganda ng pangalan niya, Ma, ano? Psalm. Parang mga gospel iyan sa Bible."


Sabi ni Vice, "Psalmo, Psalmo," o Psalm sa Filipino Bible.


Patuloy naman ni Kim, "Psalm 3:16 For God so loved the world, He gave up His only son, di ba?"


Sagot lang ni Vice dito, "Yes."


Dumiretso naman si Kim sa pagkausap kay Psalm.


Marami ang pumuna kay Kim dahil hindi Psalm ang tawag sa Gospel at Bible verse na kanyang nabanggit, kundi John 3:16.



Kahit na ganun man ang nangyari naging matatag pa din si Kim Chiu at humingi ng pasenya sa kanyang nasabi dahil nadala lamang ito sa kanyang emotion. 



Hindi pa din nilubayan si Kim Chiu ng mga pangbabatikos nung napag usapan nila ang tungkol sa cheating, alam naman natin na minsan na din dumaan si Kim Chiu sa ganitong sitwasyon nila ni Gerald Anderson noon. Narito ang mga nangyari:

"Isa na rito ay ang opinyon niya tungkol sa isang problema sa pag-ibig ng isang contestant sa "Reina ng Tahanan" segment ng programa.

Na-record ng netizens ang bahagi ng komento ni Kim kunsaan sinabi niya: "Baka magtsi-cheat kung hindi siya naging masaya."

Ano, 'no?" bahagyang nasopresang tanong ni Vice Ganda kay Kim.

Ulit ni Kim, "Baka bubukas yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya."


Hindi malinaw kung ano ang eksaktong sitwasyon ng contestant.


Pero base sa video, kinontra ni Vice ang pahayag ni Kim tungkol sa cheating.


Ayon kay Vice, walang sapat na dahilan para manloko ng karelasyon ang isang tao.


Diin ni Vice: "Again, Kim Chiu, there's no acceptable reason for cheating.


"Masaya ka o di ka masaya, walang kaso yun. Di ka maaabswelto dun. 'E, kasi hindi siya masaya kaya abswelto.' Walang ganun."


Hindi ito nakaligtas sa mapanuring netizens na ni-repost sa Twitter ang video clip na may kalakip ng mga binitawang salita ni Kim.

Mas dumami man ang bumatikos kay Kim dito, humingi na lng sya ng sorry sa nasabi nya dahil hindi naman nya yun sinasadya at sya mismo ay nakaranas din ng ganun kaya hindi nya kinukundina ang pagtsi cheat. 

Dumating din sa punto nang may lumabas na naman na issue na tatanggalin na si Kim sa It's Showtime, hindi na lamang nya ito pinansin at mas nagfocus sa kanyang trabaho para mapakita nya na karapatdapat sya maging regular sa Show. Kasunod nito ay pinaliwanag ng Show na Matagal na naging regular host si Kim Chiu. 

Hindi na talaga tinantanang si Kim ng mga mapanuring Mata ng mga netizens, nangyari na naman ang pangbabatikos ng mga netizens. Ito ay tungkol sa kanyang naipost na video clip sa kanyang Instagram Account kung saan makikita natin na kasama nya dito si Amy Perez at nagbibiruan lamang sila kung saan ilalagay ang larawan ni Tyang Amy. Narito ang mga nangyari:

Sa video na ipinost ni Kim, makikitang bakante ang isang slot na katabi ng larawan ni Piolo.

Mapapanood na inaayos ng dalawang maintenance staff member ang slot na tinanggalan ng poster ni Bea.

Nadinig naman si Kim na nakikipagbiruan sa fellow It’s Showtime host na si Amy Perez.

Biro ni Kim, larawan ni Amy ang ilalagay sa bakanteng slot.

Ani Kim: “T’yang Amy, ikaw na next diyan. Asan na yung picture mo?

Biro ni Amy: “Ano ka ba?! Picture ko nga yung tinanggal!”

Maririnig ang malakas na tawa ni Kim sa video.

Kaya naman umalma ang mga tagahanga ni Bea Alonzo at Maja Salvador sa nagawa ni Kim Chiu, ngunit kung susurian talaga nating mabuti ang video ay wala naman tinutukoy na pangalan si Kim Chiu, ang tanging pinag usapan lamang nila ni Tyang Amy ay kung saan ilalagay ang larawan ni Tyang Amy sa ABS-CBN HALLWAY. Sinagot talaga ni Kim Chiu ang mga bumatikos sa kanya dito. Halos maiyak nga din si Kim sa It's Showtime nung mangyari ito dahil sa mga nasabi ng mga netizens. 

Mas Lumaban si Kim Chiu sa buhay, hindi nya na lang pinapansin ang mga bumabatikos. Tinuon nya na lang ang kanyang pansin sa kanyang trabaho, pamilya, vlogging, Duatlon, workout at iba pang mga endorsement. 

Hindi rin nawalan ng saysay ang kanyang pagiging focus sa trabaho dahil nagbunga ito at nanalo sya ng mga parangal sa larangan ng pag arte. 

Recently lang, si Team ni Kim Chiu ang nanalo sa kanilang "Magpasikat" sa it's Showtime. Dumating pa sa point na kahit ang mga tawag ni Xian Lim ay Hindi na nasasagot ni Kim dahil nasa rehearsal ito or di kaya nasa pag eensayo para sa kanilang Magpasikat. 

Kahit na ganun man ang mga nangyari naging mas supportive Si Xian Lim sa kanyang girlfriend. 

Si Xian Lim naman ay hindi rin nakaiwas sa mga pangbabatikos sa kanyang palipat ng network. Hindi rin ito naging madali para sa kanya, gawa ng kanyang mga adjustment sa bagong environment. Nagkaroon naman din agad ng proyekto si Xian Lim sa GMA network yun ay ang Love.Die.Repeat at ang kanyang loveteam ay si Jennylyn Mercado, 

Ngunit natigil nga ang TV Serye nila Xian Lim at Jennylyn Mercado gawa nga ng pagbubuntis ni Jennylyn Mercado, kaya napalitan ito ng False Positive with Glaiza de Castro. Sa NGAYON naging okay na din ang takbo ng Taping ni Xian Lim with Glaiza de Castro sa bagong TV serye. Napakalaking bagay nun para kay Xian Lim.

Habang si Kim Chiu naman sobrang laki ng kanyang pasalamat din sa mga taong Sumuporta sa kanya dahil mas lalong dumami ang kanyang mga product endorsement at ang kanyang Movie na Huwag kang Lalabas na nakasama sa MMFF ay nangunguna sa Box Office na mas pinaka malaking Gross kumapara sa ibang pelikula. Nagbunga talaga ang mga pinaghirapan ni Kim Chiu para sa movie na ito. 

Dagdag pa natin sa mga latest post nila Xian at Kim, nagpunta nga sila sa Balesin Island para dun nagcelebrate ng kanilang Christmas Vacation nakasama din nila ang pamilya ni Kim at ilang mga kaibigan. Sobrang blessed talaga sila sa kanilang mga naachieve this year. Nakakakilig din ang kanilang mga moments together, kaya naman marami ang nagtatanong kung kailan ba sila maikakasal dahil maraming mga fans nila ang nakaabang dito. 

May mga bagay pa kasi silang pinapriority, gawa nga ng merun pa silang mga naka pirma na mga contract at mas priority muna nila ang career habang sikat pa sila, kasi hindi naman sa lahat ng panahon sikat sila kaya naman habang nasa kanila pa ang Gulong, inienjoy muna nila ito at nag iipon din para sa mga darating na future nila together. Para naman pagdating ng tamang panahon na kung pwede na, eh ready na sila pareho mentally, physically, spiritually at financially stable na din. 

Sa darating na bagong taon, marami na naman tayong aasahan sa Magkasintahan, napapabalita din kasi na magkakaroon sila ng comeback movie together. Para naman sa kanilang Loveteam, tiyak na aabangan na naman yun ng kanilang mga fans at taga subaybay nila. Medyo matagal na din kasi na Hindi nasundan ng proyekto ang kanilng Loveteam. Marami din ang nagsasabi na ang KimXi ang isa sa mga stable na fans kaya naman tumatagal talaga ang kasikatan nila. Kahit na mapunta man sila sa ibang network. 


Dumating din sa point na natanong kay Kim Chiu kung lilipat na din ba sya ng network, ngunit ang tanging nasabi nya ay hindi dahil malaki ang naging utang na loob nya sa network. Kung walang PBB at Direk LAUREN siguro walang Kim Chiu at Kimxi na mabubuo. Kaya naman nananatili pa din syang loyal sa ABS-CBN NETWORK, kasi mapa hanggang ngayon ay nabibigyan naman sya ng mg proyekto at endorsement. Hindi kagaya kay Xian Lim na wala na kaya lumipat na ito ng ibang network para na din sa kanyang career. 

Kahit na magkalayo man ang dalawa nananatili pa din sa kanila ang tiwala at pagmamahal kaya naman mas nagiging matibay ang kanilang pag iibigan. Kitang kita din sa kanilang dalawa ang tunay na pagmamahalan na parang wala nang bukas. Patuloy natin silang supportahan sa kanilang mga projects. 


Comments

Popular posts from this blog

Kim Chiu Inamin na Crush niya noon si Xian Lim

Xian Lim to the Rescue para kay Kim Chiu

Tunay na Buhay ni Kim Chiu | Career Path