Xian Lim Hindi Nakadalo sa Movie Premier ng Yorme
Sobrang Excited na talaga si Xian Lim sa pag Premier ng Movie nya na Yorme: The Movie. Kaya lang merun nakaset na na schedule si Xian Lim prior pa sa nakaset na Movie Premiere.
Nagsimula noong nakaraang linggo ang lock-in taping ni Xian Lim para sa False Positive sa isang bayan sa lalawigan ng Pampanga.
Ito ang dahilan kaya hindi siya nakadalo sa red-carpet premiere ng Yorme: The Movie, ang pelikula tungkol sa buhay ni Manila Mayor Isko Moreno, sa SM Manila Cinema nung nakaraang araw.
Alam naman natin na si Xian ang gumaganap na present-day Isko Moreno sa Yorme, na gagawa sana ng kasaysayan bilang unang Tagalog movie, sa mga sinehan sa panahon ng coronavirus pandemic.
Kaya naman ipinagpaliban muna niya ito, dahil sa January 26, 2022 ang playdate nito TV serye nila ni Glaiza de Castro.
Ang False Positive naman ang bagong TV assignment ni Xian sa Kapuso Network na pinangungunahan nila ni Glaiza de Castro at mula sa direksiyon ni Irene Villamor.
Ang lock-in taping ng False Positive ang pagkakaabalahan ni Xian hanggang sa December 19.
Ito ang project na kapalit ng Love. Die. Repeat., ang dapat na unang project niya sa Kapuso Network pero nahinto dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis ng kanyang leading lady na si Jennlyn Mercado.
Walang katiyakan kung kailan magpapatuloy ang taping ng Love. Die. Repeat dahil hihintayin pa ang pagsisilang ni Jennylyn sa baby girl nila ni Dennis Trillo.
Nakatakda sa first quarter ng 2022 ang airing ng False Positive sa primetime slot ng GMA-7.
Isang production insider ang nagsabing hindi nagkamali ang GMA-7 sa desisyong pagsamahin sina Xian at Glaiza sa isang show dahil makikita sa mga eksena ng dalawa ang kanilang malakas na chemisty.
Kaya naman, marami din ang nalungkot dahil hindi nila nakita si Xian Lim sa pag umpisa ng Premier, ngunit babawi naman si Xian sa mga susunod na araw pagkatapos ng kanyang Lock in Taping.
Comments
Post a Comment