Kim Chiu Ginulat ang Lahat sa kanyang Nabili
Sa latest Vlog ni Kim Chiu ay Nagshare sya ng kanyang mga ganap sa 2021 nya. Maraming bagay ang nasabi ni Kim, kagaya na lng ng mga pinagdaanan nya at naging TAGUMPAY sa nakaraang taon. Hindi lang ang kasi naging artista si Kim sa Harap ng mga tao, naging influencer na din sya sa kanyang mga social media na isa sa mga bagay na pinagkakaabalahan talaga ni Kim.
Alam naman natin na sobrang dami na ng tagahanga ni Kim Chiu, sa katunayan merun na syang 11M followers sa Instagram, 16.9M followers sa Facebook at million Followers din sa ibang social media like Tiktok.
Dagdag pa ni Kim Chiu, na encourage sya pasukin ang vlogging dahil gusto nya ma share sa kanyang mga fans at iba pang mga tao ang kanyang mga Ganap sa buhay para na din magbigay ng inspirasyon. Bago naabot ni Kim ang kanyang mga naabot ngayon ay dumaan muna sya ng matinding pagsubok sa buhay, kagaya na lng ng mga
Pangbabash sa kanya, mga isyu na binabato sa kanya at iba pang mga negatibong nangyari. Ngunit ang mga bagay na ito ay nagpatibay Kay Kim at lumaban para sa mga taong mahal nya.
Bukod pa dun, mas dumami na din ang mga endorsement ni Kim, kagaya ng Shoppee, H & M , Honda at ang kanyang matagal na iniendorse nya ang Chowking.
Kaya naman laking pasalamat nya at nabigyan sya ng pagkakataon na maging brand ambassador sa mga ito. Hindi rin nagpahuli si Kim Chiu sa pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan, recently lng din nagbigay sya ng mga food packs sa mga taong nasalanta ng Bagyo.
At sa panghuling part ng vlog ni Kim Chiu ay pinakita nya ang kanyang Dream House na nakuha na nya. .sobrang saya ni Kim Chiu dahil isa ito sa mga pangarap nya lang nuon pero ngayon nakuha na nya. Ang Bagong bili na Dream House ni Kim Chiu ay makikita sa Tagaytay Canyon Woods Residential Resorts. Ang bahay na ito makikita ang view ng Tagaytay at ang lamig dito ay kagaya ng sa Baguio. Ito ay isang 3 storey house na mayroong pool sa gilid, overlooking ang location kaya tanaw talaga ang ganda ng view ng Tagaytay. Hindi rin basta2x ang location ng area dahil nasa luxurious residential resort ito, kung saan ang mga bahay dito ay multi million ang halaga. Magugulat talaga kayo sa presyo ng bahay ng nabili ni Kim, ito ay nakakahalaga ng 47Million. Grabe na talaga ang naabot ni Kim.
Kaya naman agad ng comment ang mga fans ni Kim, na Sobrang yaman na talaga ni Kim Chiu. Nakakagulat talaga ang ganun klaseng presyo ng bahay. Nasabi rin ni Kim na ipapakita nya ang loob at labas ng bahay nya this 2022 sa kanyang vlog. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit ganun na lng kasipag si Xian Lim sa kanyang trabaho dahil ayaw nya din magpahuli kay Kim Chiu sa mga naaabot nito na blessings.
Habang pinapakita ni Kim sa kanyang ang Dream House nya, naiiyak na sya naisip nya siguro na pinapangarap nya lng ito pero ngayon sa kanya na talaga. Maraming bagay ang nalampasan ni Kim Chiu para lng makuha ang ganun ka mahal na property. Sa katunayan naunahan pa ni Kim si Xian Lim na bibili sana ng lupa sa Tagaytay. Dahil pangarap din ni Xian Lim na magkaroon ng lupa sa Tagaytay at patayuan ng rest house. Matagal na din kasing gusto nila Kim at Xian na magkaroon ng property sa Tagaytay dahil gusto nila magkaroon ng isang area kung saan pwede sila magrelax pagkatapos ng kanilang Trabaho.
Lesson Learn natin dito mga Kachika! Basta't may pangarap ka gawin mo lahat para makuha mo ito, paniwalaan mo ang sarili mo na makakaya mo. Kasi dati hindi man din naisip ni Kim Chiu na magkakaroon sya ng ganyan ka ganda na dream house. Ang ginawa lng ni Kim nagpursige sya sa buhay, lumaban sa mga pagsubok ng buhay at nagdarasal para mas gabayan ka pa ng Dyos sa mga pangarap mo. We may fail in life, but we should never stop achieving our goals.
Kahit gaano man karaming trials ang dumating, isipin mo lang lage na malalampasan mo din yan, kagaya na lng ni Kim Chiu na Lumaban talaga sa buhay. Alam naman natin kung gaano karaming pangbabatikos ang kanyang naransan pero hindi sya nagpatinag at lumaban sya buhay. Kaya naman sobrang deserving si Kim sa kanyang nabiling multi million na bahay.
Comments
Post a Comment