Kim Chiu may Mensahe sa mga Netizens

 



       Hinikayat ni Kim Chiu ang kanyang mga tagahanga at netizens na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan, lalo na kung talagang hindi na sila kailangang lumabas sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa. 

Nagbahagi si Kim Chiu ng kanyang mensahi sa Instagram tungkol rin sa kanyang ilang mga kaibigan at mahal sa buhay ay kasalukuyang nahawaan din ng coronavirus.


Sabi pa ni Kim Chiu sa kanyang post sa Instagram, 


“How’s your first week of 2022???


“For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron. I hope and pray that this will be the beginning of the end. keep safe everyone.”


Payo pa niya, ngayon ang panahong manatili ulit muna ang lahat sa kani-kanilang mga bahay.


Ginamit pa ni Kim ang viral niyang linya noong “bawal lumabas” na kahawig ng titulo ng pelikulang pinagbidahan niya, ang Huwag Kang Lalabas na entry sa Metro Manila Film Festival 2021.

Dagdag pa niya, “#BawalLumabas bahay muna, pahinga from all the parties and vacation that we had.

"Take this time to reflect, reset, eat healthy, exercise, drink your vitamins and plan for the rest of the days of 2022.”

Hinikayat din niya ang mga taong nakararanas ng mga sitomas ng COVID na mag-isolate kaagad para hindi na makapanghawa pa.


Aniya, “If you have any of the symptoms please isolate na kaagad para di mahawa yung mga kasama nyo sa bahay.


"More than anything we really have to be responsible. kaya natin to. take care everyone!

Ang naging lessons sa atin nito Hindi lng para kay Kim Chiu, kailangan natin mag double ingat, alagaan ang ating mga sarili, sumunod sa mga protocols, kumain ng mga pagkain na magpapalakas sa ating mga katawan para labanan ang virus at maging Healthy palagi. 

Kitang kita naman talaga natin kay Kim na ginagawa nya talaga lahat para lang maging fit ang kanyang katawan, umiinom ng mga vitamins. 

Magkakaiba man ang pananaw natin buhay, iisa pa din ang gusto natin mangyari ang magkaroon ng maayos na pamumuhay at magkaroon ng healthy na katawan para sa pamilya. Masaya na din si Kim Chiu, naging negative ang lahat ng mga nakasama nya sa bahay.

A lot of things happen for a reason. Kaya naman mas lalo natin ipagdasal na magkaroon ng healthy at safe na Pamilya. Kagaya na lang ni Kim Chiu, na grabe ka family-oriented magkapareho talaga sila ni Xian Lim na pinapriority talaga ang Pamilya. Kahit na maraming pagsubok man ang dumaan sa buhay, dapat huwag tayong sumuko sa laban, ipagpatuloy natin ang ating nasimulan. 


Kita naman natin sa Social Media, kung gaano karami ang followers ni Kim Chiu, ibig sabihin lng nun ay marami syang naiinspire na mga netizens at fans sa kanyang mga ganap sa buhay. Dumaan man ang maraming taon, bakas na sa ating mga puso ang pangalan ni Kim Chiu na nagbigay saya at tuwa sa ating mga FILIPINO. Maraming beses na din tumulong si Kim Chiu sa mga taong nangangailangan, kuso nya itong ginagawa dahil gusto nya makatulong sa mga tao kahit na sa simpling paraan lang. 


Nawalan man ng frankesa ang ABS-CBN, BLESSED pa din si Kim sa mga blessings na dumadating para sa kanya, dumami ang kanyang mga endorsement, naging brand ambassador sya sa mga sikat na clothing brand na hindi nya naman sukat akalain na mapipili sya. Patuloy lng talaga nangarap si Kim sa mga bagay na gusto nya, kaya huwag tayong mawalan ng pag asa habang may buhay, may pag asa. Simulan na natin maging masipag, magfocus, maging madasalin at maging tapat sa ating mga ginagawa. Hindi mo mapapansin darating yung tamang oras na ang pangarap mo na din ang nakukuha mo. 


Dagdag ko na lng din, huwag din natin kalimutan na alagaan ang ating mga sarili para din sa ikakbuti ng ating pamilya, ika nga Health is wealth. Dahil sa panahon ngayon mahirap ang magkasakit. Kung mahal mo ang Pamilya mo, simulan mu din alagaan ang sarili mo laban sa mga sakit at viruses. Kung nakaya ni Kim ang mga nangyari sa kanya mas makakaya mo din yun. Huwag na gumawa ng mga bagay ikasasama ng iyong katawan, mas mabuti ng umiwas na lang at kumain ng mga pagkain na pwedeng panlaban sa mga sakit. Yun lang ang maipapayo ko mga Kachika!.

Comments

Popular posts from this blog

Kim Chiu Inamin na Crush niya noon si Xian Lim

Xian Lim to the Rescue para kay Kim Chiu

Tunay na Buhay ni Kim Chiu | Career Path