Kim Chiu Nagpaliwanag at Humingi ng Pasensya
Umaapela si Kim Chiu sa publiko na itigil na ang pagbibigay ng masasamang komento kaugnay ng sinabi niya tungkol sa pagbuhos ng kumukulong tubig sa mga maiingay na pusa noong Disyembre.
Nabulabog ang aktres-TV host matapos niyang ilabas ang nasabing komento tungkol sa mga pusa sa isang segment ng ABS-CBN noontime variety show na “It’s Showtime,” na ipinalabas noong December 6, 2021.
Ipinunto ni Chiu na humingi na siya ng tawad sa kanyang sinabi, habang tumugon sa isang netizen na tumawag sa kanya at humingi ng kanyang pahayag sa isyu. Sinabi ito ni Chiu sa kanyang Twitter page kahapon, January 24.
Narito ang mga nasabi ni Kim Chiu sa social media post nya:
"I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, because I know that I will never do it and cleared that it’s not really gano’n,”
Nagsalita si Chiu kung paano naputol ang mga video na kumakalat sa social media at iniwan ang bahagi ng episode kung saan siya humingi ng tawad at nagpaliwanag sa sarili.
Dagdag pa ni Kim Chiu:
“But as usual some Marites will really choose to see the bad on that situation,” she added. “Gan’on naman minsan sa atin. Mas gusto ng karamihan palabasin kang… Super mean, yung diin na diin… kahit wala ka naman ginawa pa."
Pagkatapos ay inulit ni Chiu ang kanyang paghingi ng tawad, idiniin kung paano hindi niya sinasadya ang kanyang nasabi, at hindi siya kailanman gumawa ng pinsala sa anumang pusa.
Sa ilang post ni Kim Chiu, narito ang naging post nya:
“Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions. Parang wala sa panahon [ngayon] ang gagawa ng [gano’n],” she stated. “Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan.”
"Ate, tama na po. This is one of the reasons kaya ako di nakapigil. Yung [mga] taong ganito mag salita, minsan mas worst pa nababasa ko. I already explained my part, kahit na di naman kailangan sabi ng team ko. But I just have to,”
Samantala, sa isang hiwalay na post, umapela si Chiu sa isang netizen na tumawag sa kanya dahil sa diumano'y pagbibitaw ng mga salita nang hindi nag-iisip, ayon sa Twitter ni Chiu ngayong araw, January 25.
Hindi na rin siguro nakayanan ni Kim Chiu ang pangbabash sa kanya ng ilang mga Netizens. Wala naman din intensyon si Kim Chiu sa kanyang nasabi, tsaka nagclarify naman si Kim sa kanyang nasabi. For me, it's an innocent mistake lng din sa pagkasabi ni Kim Chiu, dala lng ng kanyang gigil sa pag Host. Even, tayo nakakagawa din naman tayo ng hindi maganda sa ibang hayop pero not to the point na papatayin na talaga.
Napaka Hypocrite naman siguro natin kung sasabihin natin na ni minsan wala tayong nagawa na ikakasama ng hayop. Nagagawa natin yan lalo na kapag merun nagawang mali ang hayop or alaga natin. Sa palagay ko ganun lng naman yung ibig sabihin ni Kim Chiu. Yung nagpalaki ng issue na ito ay walang magawa sa buhay. Kaya naman siguro dumating na din sa point na napuno na si Kim at naggawa na din talaga ng post para sa mga taong nangbabatikos sa kanya.
Kahit na ganun man ang nangyari, hindi pa din talaga natin maipagkakaila na maraming napapatawa at naiinspire kay Kim Chiu, lalong lalo na yung mga taong sinusubaybayan palagi sa kanyang mga ganap sa buhay. Marami na din ang gustong ipaglaban si Kim Chiu, laban sa mga naninira sa kanya. Makikita natin na marami din ang mga nagbibigay ng comment na positive feedback para kay Kim Chiu.
Comments
Post a Comment