Diether Ocampo Naaksidente ang Sasakyan dahil sa Sobrang Kalasingan

 


Nitong madaling araw lang ay nasangkot sa isang aksidente ang aktor na si Diether Ocampo dakong 12:40 a.m. nitong Biyernes, February 4, 2022.


Ayon sa ulat ng DZRH police reporter na si Noche Cacas, si Diether mismo ang nagda-drive ng sasakyan niyang SUV Ford Explorer nang bumangga ito sa nakahintong garbage truck sa may service road ng Osmeña Highway sa Brgy. Pio del Pilar, Makati City, bago dumating sa Arnaiz Avenue.


Dagdag pa ng isang Bantay Bayan ng Brgy. Pio del Pilar na si Joel Alicante, mabilis ang takbo ng SUV habang binabaybay nito ang service road ng Osmeña Highway. Kaya siguro hindi na napigilan na mabunggo ito sa truck. 


Nagulat naman ang driver ng garbage truck na si Lauro Banaga nang biglang may kumalabog sa bandang likuran ng truck, habang abala raw sila sa pagkuha ng mga basura.


Sa lakas ng pagkabangga, wasak ang kaliwang harapan ng SUV ni Diether Ocampo.


Mabilis namang rumesponde ang Philippine Red Cross na nagdala sa aktor sa Makati Medical Center. Sinamahan ang aktor ng isang kaibigan na kaagad dumating sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.


Ayon pa sa ulat na ipinarating sa amin ng DZRH reporter na si Noche, amoy-alak umano si Diether nang iligtas ang aktor mula sa kotse. Wala raw itong malay at may sugat sa noo at paa.


Nang isinakay na si Diether sa ambulansya, nagpupumiglas daw ang aktor at gustong tumayo. Hindi pa siguro nya alam na sya ay bumangga sa isang truck. 


Dinala sa Traffic office ang sasakyan ni Diether, at isinama na rin ang driver ng garbage truck para sa follow-up investigation.


Sinubukan ng isang sikat na Online Blog site na mag-follow up sa handler ni Diether sa ALV Talent Management, pero matagal na pala itong wala sa management team ni Arnold Vegafria. Nababalita na din kasi na nagfocus na lng sya sa kanyang career at mga negosyo. 


Buti naman at walang nasaktan sa mga basurero nang banggain ng SUV Ford Explorer ni Diether ang kanilang trak.

Dalangin natin na bumuti ang lagay ng aktor sa lalong madaling panahon. Kahit na ganun man ang nangyari, laking pasalamat na lng din ay walang gaanong nasaktan sa mga basurero.

Matagal na din tumigil si Diether Ocampo, sa pag aartista. Kaya naman wala na masyadong nababalita sa kanya, mas binigyan na lng kasi ng pansin ni Diether ang kanyang pamilya. Sanay maging maayos na din sya at ipagdasal natin na gumaling na ito.

Comments

Popular posts from this blog

Kim Chiu Inamin na Crush niya noon si Xian Lim

Xian Lim to the Rescue para kay Kim Chiu

Tunay na Buhay ni Kim Chiu | Career Path