Kim Chiu Aminado na Ayaw Magcelebrate ni Xian Lim ng New Year
Nakakatuwa makita ang Latest Vlog nila Xian Lim at Kim Chiu sa YouTube Channel ni Xian Lim. Naglaro sila ng Q and A gamit ang mga Cards na nabili ni Kim Chiu. Ang laro nila ay tinawag ni Xian ng "Let's get Closer Table Talk", ang mga cards ay naglalaman ng mga tanong na related sayo or sa inyong dalawa. Ang sequence ng laro ay si Xian ang bubunot ng Card habang si Kim ang sasagot and then vice versa. Ginawa nila ang larong ito habang nasa may tabing dagat sila at nagpapahinga.
Narito ang mga nangyari:
What is your unique ability? Tanong kay Xian.
Sabi ni Xian na sya ay marunong mag play ng piano at madaling makapag learn ng mga bagay bagay kapag pinagtuonan nya ito ng pansin. Sumang ayon naman si Kim sa mga nasabi ni Xian.
How do you make important decisions? Tanong kay Kim.
Nasagot ni Kim na hindi nya talaga gusto decision ng mga bagay kaya andyan si Xian at ang kanyang ate para sila ang magdecide para sa kanya. Hindi raw kasi sya ganun ka sigurado kapag sya ang magdedecide, kaya naman madalas kapag tungkol naman sa kanya ay iniisip nya talaga ng todo bago gawin ang isang bagay dahil natatakot syang magkamali.
What is your favourite word and why? Tanong kay Xian.
Sagot naman agad ni Xian ay Cool.
What would you do if you have no fear? Tanong kay Kim.
Sasabihin ko lahat ng gusto kung sabihin. Merun naman dinagdag si Xian tungkol dito, ayaw nya talaga ang concept ng social media platforms dahil isa itong paraan na merun ka talagang masasabi na hindi maganda sa kapwa thru social media.
What is your favourite Pastime or doing something whenever your free? Tanong kay Xian.
Ang pagdadrive ng motorcycle, dahil nakakapagmeet ako ng ibang tao, nakasali na din sa motorcycle community, nakakapunta sa kahit saan at marami pa. Dagdag pa ni Kim na maganda ang naging resulta ng pagmomotor kay Xian, kasi mas naexplore pa ni Xian ang kanyang sarili at nakakagawa sya ng mga bagay na hindi nya akalain na kaya nya palang gawin.
What are the 3 most favourite words? Tanong kay Kim.
Sagot naman ni Kim, I am beautiful, Honest and Loyal. Kinumprima naman ito ni Xian na ganyan nga si Kim.
What is your favourite part of the day?. Tanong kay Xian.
Agad naman sinabi ni Xian na, Morning dahil sya ay Morning Person. Mas gusto din ni Xian Lim ang gumising ng 5am in the morning habang tulog pa ang iba, kasi nabibigyan nya ng time ang kanyang sarili para gawin ang mga bagay na gusto nya kagaya na lng ng pgprepare ng kanyang coffee.
What positive interaction you made on people?. Tanong kay Kim
Nasabi ni Kim na, gusto nya yung nakikita yung mga tao na natutuwa sa kanyang mga ganap sa buhay, nakikita ang kanyang social media na nakakapag inspire ng tao. Natutuwa na sya sa mga bagay na yun. Dagdag din ni Xian Lim na merun isang pangyayari habang magkasama sila ni Kim, nakakita si Kim ng isang nagtitinda ng basahan at agad nya itong binigyan ng pera, hindi din nagpakilala si Kim or even posted it on social media. Marami pang nagawa si Kim na hindi nya naman pinapakita sa kanyang social media.
What is your favourite time of the year and why?. Tanong kay Kim.
Marami naman raw paboritong araw si Kim pero ang pinakagusto nya ay ang kanyang Birthday dahil nakakatanggap sya ng mga regalo at mga sweet messages na nakakatouch talaga. At isa pa din sa gusto nya ang New Year, dahil maingay, maraming paputok at masaya. Hindi rin nagpahuli si Xian Lim, inamin ni nya na ayaw nya ng New Year. Dagdag pa ni Kim na hindi talaga nagsi-celebrate ng new year si Xi.
Sagot naman ni Xian na Hindi naman raw sa ayaw nya magcelebrate ng New year, ayaw nya lang ang sobrang ingay at hindi rin nakalakihan ni Xian ang magcelebrate ng NEW year. Ayaw lng din ni Xian ang mga Holidays like VALENTINE'S DAY, mga Holidays na dinikitan ng panahon. Kung bakit raw Feb. 14 ang celebration ng Valentine's Day, na pwede naman na magbigay ng bulaklak, chocolates at pagpapakita na mahal mo ang isang tao araw araw hindi lng dun sa specific day na yun. Kung bakit rin din natin sinicelebrate ang New Year ng January 1 na pwede naman ibang araw, at pwede naman gumawa ng New Year's Resolution kahit na araw araw. Yun lng naman raw ang paliwanang ni Xian.
Para naman sa panghuling katanungan, What is your most magic moment?. Sagot ni Kim na yung nangyari sa kanya ng mga malalang pangbabash sa kanya, akala nya na yun na ang kanyang katapusan. Ngunit hindi nagpatinag si Kim, lumaban sya at nilampasan ang mga nangyaring hindi maganda. Yun na siguro ang isa sa pinaka malaking achievement nya ang malampasan lahat ng pangbabatikos sa kanya. Kaya ngayon mas matatag na si Kim sa mga bagay bagay.
Comments
Post a Comment